Magtatagalog ako ngayon para mas totoo. Inspired ako by Jethro -- isang kathang-isip na character na binuhay ng isang teleseryeng kinakatuwaan namin ng Nanay ko ngayon ang Imortal. Tulad ko nagboblog din siya dito sa blogspot, at tulad ko ang dami ding bumabagabag sa kanya ngayon. Bagamat sobrang fantasy ng mga problema niya, pareho naman ang magnitude na ito sa reality ng mga issues ko. Una, di niya alam kung kaduwagan ang ginawa niyang pagtakbo mula sa taong maaaring nakakaalam sa katotohanan sa likod ng mga issues niya. Hindi niya sigurado kung dahil do'n may mapapahamak o napahamak na. Sa kanyang pagtakbo, akala niya mababaon na lang sa limot ang mga katanungang iyon. Pero hindi. Dahil ang totoo ay totoo at kahit saan ka magtago, hahabulin ka nito. Gaya niya marami rin akong tanong at disappointments na mas pinili kong itago na lang at ibaon. Subalit gaya niya, hinahabol na rin ako nito. At gaya niya nahihirapan akong magsinungaling sa sarili ko. At least ang blog na ito, bagama't matalinghaga ay totoo so eto kung ano lang ang totoo.
Kanina mejo may masakit na nangyari. Wag na nating idetalye kasi ayoko nang magdrama. Ang dami kasing excuses, dami pa dahilan. Pero in the midst of it all, bigla ko na-miss ang Dadad (Lolo ko sa father's side) ko. Kasi alam ko kahit magka-kandaleche-leche ang lahat, he wouldn't accept crap. Yun siya eh, kahit masakit, kahit baduy, kahit mukhang cheap, basta totoo dun siya. Walang halong kaplastikan, yung totoo lang. Tough love, ika nga. Pero mas tatanggapin ko yun kasi at least yun, totoo. Hindi pretentious. So sa araw na 'to, kahit nung buhay ka pa di tayo masyadong close, para sa'yo toh. Na-mimiss kasi talaga kita eh.